Haligi ng Tahanan

Haligi ng Tahanan

Bata palang ako alam ko na ang tungkulin ng isang nanay na siyang ilaw ng tahanan at ang ama naman ang haligi ng tahanan.

Lumaki sa probinsya at sa sobrang hirap ng buhay hindi nakapagtapos ng pag aaral.

Sa panahon namin hindi importante ang medalya,diploma at makapagtapos ng pag aaral,sapat na ang matuto kang magbasa,magsulat at bumilang.

Sa hirap ng buhay hindi mo na papangarapin ang makapagtapos.Ang pagsasama sa tatay kong magsaka noon ay iyon nalang ang pinagtuunan ko ng pansin.

Kapag kumikita kami ay nakakain rin naman lahat kaming magkakapatid.Hindi lang ako sa pagsasaka natuto.

Natuto rin ako pagiging isang construction worker kasi ang pinakamadaling pasukan na trabaho para sa mga taong hindi nakapagtapos ng pag aral.

Hanggang sa nagkaroon ako ng pamilya iyon ikinabubuhay ko para sa kanila.Ipinagmamalaki ko ang pagiging construction worker dahil ito ay marangal na trabaho.

Napapag aral ko ang mga anak ko at napapakain ng tatlong beses sa isang araw.

Mahirap ang maging mahirap pero kung hindi ka tatayo at magpapatuloy sa buhay talo ka.Pamilya ko ang ginagawa kong inspirasyon sa lahat ng bagay.

Kaya naman hanggang kaya ko silang suportahan at hanggang kaya kong magtrabaho para sa Kanila ay gagawin ko dahil ganun ko sila kamahal.